Biyernes, Hulyo 29, 2011

Lugar ng Pakikipag-ugnayang Sosiyal...

       Mga alas nuebe ng gabi ay abalang –abala ako sa paglalaro ng ddtank, isang laro sa social networking site, pero hindi kailangan na manatiling nakalog-in dito para maglaro niyan. Siyempre para makapaglaro ako ng maayos, sinara ko ang window ng account kong ito at libang na libang ako sa paglalaro. Iniwan na ako ng mga kalaro ko, kaya naisipan ko ng buksan muli ang account ko. Nagulat ako ng lumabas ang mensaheng iyan. Alas singko kwarenta ikwatro daw ng palitan ko ang password nito. Nagulat talaga ako, dahil kani-kanina lang ay gamit ko pa ang account ko at di naman ako nagpalit ng password. Naniniwala akong nasa matino akong pag iisip kanina, at malabong may unconscious side ako na nagpalit ng password ko (sa pagkakaalam ko wala akong alter ego).

Halo-halong emosyon ang tumambad sa akin, naiinis at kinakabahan, kinakabahan kasi baka may stalker ako (pakiramdam ko ang ganda ko eh, hahaha, walang pakielamanan dahil blog ko to).

Ginawa ko ang mga sinabi nila, kung ano anong pinindot ko, sinagutan ko at pinalit-palitan ko, in short natuyo talaga utak ko sa dami ng pinagagawa nila. Biruin mo, napagod ako sa pag iisip ng mga istratehiya sa nilalaro ko pagkatapos eto nabanat na naman ang brain cells ko. Siyempre dahil sumasakit na din ang ulo ko, naisipan ko ng palitan ang account ko.


Ito ang di magandang epekto ng social networking sites, masakit sa ulo kapag nahack ang account mo. Una, kaylangan kong isakripisyo ang kontak ko sa mga kaibigan ko at abisuhan na lang silang magpapalit na ako ng account. Ngayon, umpisa muli sa unang una. Kumbaga sa bata, nasambit mo na ang salitang “mama” pero dahil nauntog ka, nakalimutan mo na naman, pag-aaralan mo ulit. Pangalawa, ang mga litratong inupload ko doon (nakakaiyak, napakadami, paano ko kukunin lahat? Gumawa sila ng uploader pero walang “all at once downloader”, ang sakit sa ulo diba!?) Pangatlo at pinakamasaklap sa lahat, ang ddtank account ko! Level 13 na ako eh, kakatuto-tuto ko palang, ngayon mag uumpisa ulit ako!? (parang bata ulit na natuto ng maglakad, pero dahil nadapa at nagkasugat, nakalimutan ulit kung paano humakbang, pag-aaralan muli).


Pero ngayon ko malalaman kung sino sa mga kaibigan ko ang tunay at hahanapin ako kung sakaling mapansin na nawala na ang account ko. Kinakabahan ako, ilan kaya sa kanila ang hahanapin ako? Kahit hindi na lahat, kahit hindi umabot sa 300 (kalahati ng listahan ng kaibigan ko dun), kahit sampu lang yan, basta sa sampung yun, nandun ung mga tinuturing ko talagang malalapit at matatalik (hindi magkatalik ha) na kaibigan.


Sa totoo lang, drama ko lang yan eh. Di ko lang talaga matanggap na trip na trip nila (kung sino man sila) ihacked ung account ko. Mga shit kayo, wala naman kayong mapapala sa account ko, puro litrato lang at kung ano anong walang kwentang bagay pinagsasabi ko jan! Wala kayong makukuhang pera jan, mga tanga! HAHAHA.

Miyerkules, Hulyo 27, 2011

Ng Dahil Sayo...

Sa totoo lang, binili ko lang to dahil may HD (Hinayupak na Damdamin) talaga ako sa isa sa mga manunulat ng librong ito. Sa totoo lang din, balak ko lang talagang basahin ung mga sinulat lang nyang kwento pero naisip ko pag nalaman nyang un lang ang binasa ko (kunyare may pake siya) sasabihin nun sayang ang pinambili nito at saka dapat pag bumibili ka ng libro, lahat ng pahina babasahin mo kasi hindi mo malalaman kung bakit un ang title ng libro kung di mo babasahin ng buo. Oo nga pala ang title ng libro ay, Ang Mga Kwento Ng Mga Supot Sa Panahon Ng Kalibugan. At dahil sa librong ito, pati narin ung nauna nilang libro na OXYMORON Kung Paano Magsalita ang mga Walang Sinasabi,nainspire akong magblog muli, ng mga nangyayare lang sa pang araw-araw na buhay, mga karanasan, kalokohan, katangahan, at kung ano ano pa. Kaya mabuhay ang librong ito! Marahil may mga hindi din magagandahan sa mga nakasulat sa librong ito, un ung mga hindi alam tumawa at maging masaya, ung sarado ang isip sa iba't-ibang pananaw ng tao, kumbaga sila ung mga taong hirap na hirap dumumi pero tahimik pa din, ayaw umire. Pero para sa katulad ko, na kinikilig kilig pa sa pinagsasabi ng isang manunulat dito, enjoy ko to syempre! hindi lang dahil sa may HD (Hinayupak na Damdamin) ako sa kanya, Kundi dahil narealize ko na maganda ang mga contents ng libro. Nakakatawa siya OO, pero maraming realization na tama nga naman!